LAPEL, LAPTOP AT SMART TV PARA SA ATING MGA PAARALAN

June 10, 2019

Example blog post alt

Kamakailan ay ibinahagi ng ating lokal na Pamahalaang ng Pasig sa pamumuno ni Mayor Bobby Eusebio at ng Sangguniang Panglungsod ang nasa 1,776 na laptop, 1248 na lapel 2,673 na Smart TV sa ating mga pampublikong paaralan.

Ang nasabing mga laptop ay naibahagi sa mga guro ng elementarya samantalang ang mga lapel portable sound system naman ay sa mga guro ng sekondarya. Matatandaan na nuong nakaraang taon ay naibahagi naman sa mga guro ng elementary ang lapel at laptop naman sa mga guro sa sekondarya.

Samantalang naibahagi at naikabit na rin sa bawat klasrum ng mga paaralan ang ipinangakong Smart TV. Layunin ng  mga proyektong ito na maitaas pa ang antas ng pagtuturo sa ating mga pampublikong paaralan.