PASIG CITY TEAM, IBINIDA ANG NCR ATHLETICS MEET 2019 RESULT

March 11, 2019

Example blog post alt

Bumisita kamakailan at nagsagawa ng Courtesy Call ang Team Pasig City sa opisina ni Mayor Bobby C. Eusebio at ibinida ang resulta ng nakaraang National Capital Region Athletic Meet 2019.

Nakopo ng Pasig City ang kampeyonato sa Elementary Division makaraang makakuha ng 33 Golds, 19 Silvers at 17 Bronze at manguna sa 16 na bayan at siyudad sa NCR. Pumangatlo naman tayo sa Secondary Division makaraang makapag-uwi ng 27 Golds, 22 Silvers at 29 Bronze, pinangunahan naman ito ng Manila City at pumangalawa ang Quezon City

Patuloy na palalakasin pa ng ating Pamahalaang Lungsod ang suporta sa ating mga kabataang atleta at sa pagtupad sa kanilang mga pangarap sa larangan ng isports. Mabuhay ang batang Pasigueño!