MEDICAL MISSIONS SA BARANGAY BG. ILOG

March 08, 2019

Example blog post alt

Hindi tumitigil ang Pamahalaang Lungsod sa pagbibigay ng libreng serbisyong medikal para sa mga Pasigueño. Mahigit sa 600 beneficiaries ang natulungan sa ginanap na medical missions sa barangay Bagong Ilog. Kasama sa mga libreng serbisyo ang konsultasyon sa doktor, pagkuha ng blood pressure, ECG, x-ray, bakuna para sa mga bata at sa mga Senior Citizens. Mayroon din libreng bunot ng ngipin, FBS, papsmear, blood typing, pagtingin sa mata at bakuna para sa mga aso laban sa rabies.