INAGURASYON SA WESTBANK ROAD, BARANGAY ROSARIO

March 08, 2019

Example blog post alt

      Masayang tinanggap ng mga taga Westbank Road, Barangay Rosario ang handog ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na isang Day Care Classroom at Livelihood Building. Pinasinayaan ng ating butihing Mayor Bobby Eusebio ang nasabing pasilidad at sinaksihan naman ng mga residente ng nasabing barangay. Ang mga nasabing pasilidad ay malaking tulong sa paglinang ng kaalaman ng mga kabataan maging sa pangkabuhayan ng mga mamamayan.