FINANCIAL ASSISTANCE SA MGA BOARD EXAMINEES

January 03, 2019

Example blog post alt

       Muli nanaman namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pangunguna ng ating butihing Mayor Bobby C. Eusebio ng tig 10,000 one-time Financial Assistance sa mahigit 60 na kwalipikadong Boards Examinees bilang tulong at pag-alalay sa kanilang board exams and review.

        Patuloy na pinalalakas ng Pamahalaang Lungsod ang mga programang tulad nito at iba pang Scholarship at Financial Assistance upang mas marami pang mga kabataang Pasigueno ang matulungan.

        Para sa mga nais mag-avail ng programang ito, maaaring mag-download ng application form sa ating official website, o kaya ay magsadya sa opisina ng BCE Scholarship Program sa 2nd Fl., Pasig Business Center, Pasig City Hall Complex.