CHRISTMAS LIGHT DISPLAY SA PLAZA RIZAL, BINUKSAN NA

December 04, 2018

Example blog post alt

Maliliwanag at makukulay na mga ilaw ang muling nasaksihan ng mga kabataang Pasigueño makaraang buksan ni Mayor Bobby C. Eusebio kasama ang Sangguniang Panglungsod ang Christmas Light Display sa Plaza Rizal.

Nasiyahan ang mga manunuod sa indayog ng ilaw na sinabayan ng pamaskong tugtog. Nagpasaya din si Sta. Claus sa mga bata at nagbigay din ng mga pamaskong regalo.

Kasama sa pagdiriwang ng kapaskuhan ang pagpapaliwanag ng mga lugar at pasyalang pampubliko. Kaya naman pagsapit ng gabi nabubuhay ang Plaza Rizal dala ang liwanag at sigla ng tugtuging pamasko. Bukas sa publiko ang nasabing Christmas Display mula 6 hanggang 10 ng gabi at magtatapos sa Enero 6, 2019.