CHRISTMAS ANIMATED DISPLAY, BINUKSAN SA PASIG

December 04, 2018

Example blog post alt

       Isang makulay at masiglang Pamaskong handog ang ibinigay sa mga Pasigueno nang pangunahan ni Pasig City Mayor Bobby C. Eusebio ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa pagpapasinaya sa Pasig Animated Display nitong Nobyembre 27, 2018 sa harap ng Pasig Mega Market

 

       Ang animated display, na ngayon ay nasa ikasampung taon, ay may temang "Pamilya" at ipapalabas mula ala-6 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi hanggang Enero 6, 2019.

 

       Nabibiyayaan din ng maagang pamasko ang 400 mga kabataan mula kay Mayor Bobby Eusebio.

 

       Sa pamamagitan ng taunang Christmas Animated Display nais ni Mayor Bobby na bigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na maging masaya habang kapiling ang kanilang mga magulang, at magsama-sam bilang pamilya sa paggunita at pagdiriwang ng Kapaskuhan.