BAGONG PLAZA BONIFACIO, BINUKSAN NA SA PUBLIKO

December 04, 2018

Example blog post alt

 

Binuksan na sa publiko ang bagong Plaza Bonifacio, kung saan tampok ang bagong bantayog ng dakilang supremo na si Gat. Andres Bonifacio na nakatayo sa makasaysayang Bikutang Manok, na naging bahagi din ng kasaysayan ng katipunan.

Dinagdagan din ng mga murals ng kasaysayan upang maging kaaya-aya sa mga kabataan at maging sa lahat ang pagpasyal sa nasabing linear park. Mayroon din fountain pool na labis na nagpakulay sa paligid at cafeteria with al fresco na tiyak na bubusog sa mga turista. Nagsilbi namang parking lot ang ilalim nito para sa mga publikong bibisita.