ZERO-DOSE CHILD

April 19, 2024



Mga mommy at daddy, lola at lolo, tita at tito, at ate at kuya, ang inyong mga baby ba ay Zero-Dose Child? Kung oo, huwag magpahuli at pabakunahan na sila!
Dahil sa mga bakuna, protektado si baby sa mga nakakahawa at nakamamatay na sakit.
Pero kapag marami pa rin ang mga batang hindi bakunado, maaari itong maging sanhi ng pagkalat ng sakit.
Pabakunahan na ang anak para protektado siya at ang iyong komunidad -- dahil kapag bakuna ay kumpleto, lahat tayo ay protektado!
Isang mahalagang paalala mula sa Department of Health at Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
----
Noong Lunes April 15, 2024 ay nagsimula na ang "Pasig Bakuna, Bida ang Bata" vaccination campaign ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng City Health Department. Sa ilalim ng programang ito, isasagawa ang malawakang bakunahan o Supplemental Immunization Activity laban sa Polio at iba pang vaccine-preventable diseases.
Layunin nito na mabakunahan ang mga batang edad 6 weeks to 23 months old para sa routine at catch-up doses ng lahat ng bakuna at 24 to 59 months old para naman sa supplemental dose o dagdag bakuna para masiguro na sila ay may proteksyon laban sa vaccine-preventable diseases gaya ng polio, measles (tigdas), at rubella.
Kaya naman tara na! Magtungo na sa pinakamalapit na Health Center sa inyong barangay para magtanong kung ano ang mga bakuna na maaaring maiturok sa inyong mga anak.