World TB Day sa Lungsod ng Pasig!

March 24, 2023



Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa naging selebrasyon ng World TB Day kahapon! 


Sa 17 local government units sa National Capital Region, napili ng Department of Health ang Lungsod ng Pasig bilang venue kung saan gaganapin ang taunang World TB Day. 


Para sa pagdiriwang na ito ay ishinowcase ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng City Health Department, ang kolaborasyon sa pagitan ng dalawang programa nito: Tuberculosis Control Program at Diabetes Program. 


Nasa 100 miyembro ng Sweet Diabetic Club of Pasig, Inc. ang nakilahok sa nasabing activity, kung saan sila ay sumailalim sa Fasting Blood Sugar screening, Free Chest X-ray, at Trunat examination. May bonus pang Zumba dance session!


Dinaluhan ni Mayor Vico Sotto ang nasabing event kung saan ipinahayag nya rin ang kanyang pagsuporta sa TB-DM programs collaboration. Bukod kay Mayor Sotto ay dumalo rin sa World TB Day celebration sina Pasig City Health Department Asst. City Health Officer Dr. Emma Ruth Cuevas, National Tuberculosis Control Program (NTP) Medical Coordinator Dr. Glendon Sumayao, NTP Team INCD Medical Coordinator Dr. Ben Evan Niog, INCD Team, at mga kinatawan mula sa Department of Health - Metro Manila Center for Health Development, USAid, at Philippine Business for Social Progress.


"Tara't magBayanihan!

TB ay Tuldukan!"