World No Tobacco Day

June 1, 2023



Kaisa ng Department of Health (DOH) ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa naging selebrasyon ng World No Tobacco Day kahapon, May 31, 2023 na may temang  "We Need Food, Not Tobacco."

Para sa pagdiriwang na ito ay nagsagawa ng maiksing panuntunan ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng Anti-Smoking Task Force, kung saan nagbigay ng Messages of Support sa Anti-Smoking campaign sa Pasig sina Mayor Vico Sotto, Congressman Roman Romulo, DOH Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) Regional Director Aleli Sudiacal, Metro Manila Development Authority Plans, Program Development, and Monitoring Division of Health Chief Salome Zuleta, at Department of Environment and Natural Resources Metropolitan Environmental Office - East Representative Anizah Joy Galicia. Nagkaroon din ng intermission number mula sa Social Watch Philippines.  

Parte rin ng naging programa ang opisyal na paggawad sa mga nanalo sa poster making contest na sina:

3rd Place: Ram Kalvin Roldan, Manggahan High School

2nd Place: Zhanear Tuazon, Pinagbuhatan High School

1st Place: Kelvin Kirk Papna, Manggahan High School

Matapos ang naging awarding ay nagkaroon din ng panunumpa at pagpirma sa Pledge of Commitment para sa patuloy na pagsuporta sa anti-smoking campaign at implementasyon nito sa Pasig City. 

Upang magkaroon din ng awareness sa lungsod ay nagsagawa ng motorcade na lumibot sa Pasig na dinaluhan ng iba't ibang tanggapan sa Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ng Anti-Smoking Task Force, mga kinatawan mula sa DOH - MMCHD, Bureau of Jail Management and Penology - Pasig, at Bureau of Fire Protection - Pasig, at mga representante mula sa 25 limang barangay ng Pasig. 

Kasunod ng selebrasyon ng World No Tobacco Day kahapon, ngayong buwan ng Hunyo ay ipinagdiriwang naman sa Pilipinas ang National No-Smoking Month alinsunod sa  Presidential Proclamation No. 183, s. 1993.