World Immunization Week | April 24-30, 2024
April 27, 2024
Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pagtalima sa World Immunization Week ngayong linggo, April 24-30. 2024.
Kasabay ng selebrasyon ng World Immunization Week ang isinasagawang Supplemental Immunization Activity ng City Health Department para sa mga bata na may edad 6 weeks hanggang 59 months laban sa vaccine-preventable diseases!
Para sa mga magulang at guardians ng mga bata na may ganong edad, pabakunahan na ang inyong mga anak sa pinakamalapit na health center sa inyo!
----
Samantala, dumating na rin ang nasa 20,000 Tetanus-Diphteria-Pertussis (Tdap) vaccines na ipinrocure ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para maiwasan ang paglaganap ng pertussis o whooping cough na isang vaccine-preventable disease.
Para maging mas targeted ang paggamit ng TdaP vaccines ay gagamitin ito para sa vulnerable population o mga pinakaapektadong populasyon sa Lungsod ng Pasig. Sa kasalukuyan, ang Tdap vaccination ay nakatakdang ipamahagi lamang sa mga sumusunod:

Maaaring magtungo sa health center sa inyong barangay upang makatanggap ng Tdap vaccine. Magdala lamang ng inyong ID bilang patunay na kayo ay residente ng Pasig.

Makikipag-ugnayan ang health center sa inyong pamilya kung kayo ay kabilang sa apektadong barangay.
----
Magpunta sa Barangay Health Center at magtanong kung ano ang available na bakuna para sa inyo! Bukas ang mga Barangay Health Center simula Lunes hanggang Biyernes, 08:00AM - 05:00PM, liban kung holiday.
Tara na at magpabakuna!
...dahil ang Pasigueñong bakunado, siguradong protektado!