WOMEN IN PASIG CITY HEALTHCARE

April 1, 2023



Bagamat tapos na ang selebrasyon ng National Women’s Month kahapon, may pahabol na features sa dalawang Pasigueñas!


Ang una ay pagkilala kay Dra. Emma Ruth Cuevas, Assistant City Health Officer ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig mula sa British Embassy Manila!

——

WOMEN IN PASIG CITY HEALTHCARE


Sinusulong ng Pasig City Health Department na palakasin ang mga programang pangkalusugan para sa mga kababaihan ng ating lungsod. 


Dahil dito, aktibo tayong nakikipag-ugnayan sa iba't ibang ahensya at organisasyon upang makagawa ng mga progresibong programa na tutugon sa mga pangangailangan ng kababaihan. 


Sa katunayan, kinilala ng British Embassy Manila ang mahalagang kontribusyon ng Pasig City Health Department sa pagsulong ng karapatan ng kababaihan para sa kalusugan. Ito ay sa pamamagitan ng ating programa sa Gestational Diabetes sa pamumuno ng ating Assistant City Health Officer, Dra. Emma Cuevas. 💜 


Link to post: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=586252076868678&id=100064516727128&mibextid=Nif5oz


#PasigCityHealh #WomenInHealthcare 

#WomensMonth2023