#WALANGPASOK | October 24, 2024

October 23, 2024

Mananatiling suspendido ang klase sa LAHAT NG ANTAS ng PAMPUBLIKO at PRIBADONG paaralan sa Lungsod ng Pasig bukas, Huwebes, October 24, 2024.
Kaugnay ito ng inaasahang patuloy na epekto ng Bagyong #KristinePH sa lagay ng panahon sa Metro Manila.
Sa kasalukuyan, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Metro Manila (as of October 23, 2024 | 05:00PM).
Mag-ingat po ang lahat.