#WalangPasok ang mga Paaralan | September 3, 2024

September 2, 2024

Suspendido ang klase sa lahat ng antas ng PAMPUBLIKO at PRIBADONG paaralan sa Lungsod ng Pasig bukas, Martes, September 3, 2024. 

Bukod pa rito, alinsunod sa proklamasyon ng Office of the Executive Secretary, suspendido na rin ang government work, kabilang ang sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, liban sa mga tanggapang may kinalaman sa disaster risk reduction and management. 

(I-check ang post ng Presidential Communications Office kaugnay ng suspension din ng government work sa link na ito: https://bit.ly/3yYUKY5)

Kaugnay ito ng patuloy na malakas na pag-ulan dala ng Bagyong Enteng. 

Mag-ingat po ang lahat.