Wagi ang mga Kabataang Pasigueño!

August 13, 2024



Hakot ang awards ng mga Kabataang Pasigueño!
Wagi ang mga Kabataang Pasigueño sa ginanap ka 5th Sangguniang Kabataan Awards - Awarding Ceremony na ginanap kahapon, August 12, 2024, bilang parte na rin ng pagdiriwang ng International Youth Day.
Sa tatlong National Finalists mula sa Lungsod ng Pasig na sumabak sa Grand Finals kung saan nagkaroon ng final presentation ang bawat grupo, nakamit ng mga delegado ng Pasig ang awards!
Mainit na pagbati sa:
Pasig SK Pederasyon - National Outstanding SK Awards - Federation Category
Sangguniang Kabataan ng Pinagbuhatan - National Outstanding SK Awards - Barangay Category
PasigLaban Kabataan - National Outstanding Impact Awards
Patunay ito na patuloy na aagos ang pag-asa sa Lungsod ng Pasig dahil tuloy-tuloy din ang agos ng husay ng mga aktibong kabataang Pasigueno!
Lubos kayong ipinagmamalaki ng Lungsod ng Pasig!
----
Kaugnay ng International Youth Day at nalalapit na selebrasyon din ng Linggo ng Kabataan, i-check ang Facebook Page ng Local Youth Development Office Pasig City para sa mga inihandang aktibidad ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa mga Kabataang Pasigueño!