Vice Mayor Dodot Jaworski | MAG-INGAT SA MGA SCAMMER!
May 3, 2024
MAG-INGAT SA MGA SCAMMER!
Kamakailan, nakapagtala ang tanggapan ng ating Vice Mayor ng mga reklamo na sila ay naging biktima ng mga manloloko sa internet na nagpapanggap bilang Dodot Jaworski o bahagi ng Office of the Vice Mayor. Ginagamit at ginagaya ang opisyal na Facebook page ni Vice Mayor Dodot para makapanloko.
Narito po ang ilang mga paraan kung paano maiiwasan ang mga modus online:
-Una, huwag basta-basta magtitiwala sa messages na galing sa hindi kilalang Facebook accounts, lalo na kung humihingi sila ng personal na impormasyon.
-Pangalawa, always verify kung ang account na kausap niyo ay ang tunay na Facebook page. Hindi po dapat ito personal account kundi isang page at isa sa paraan para makita ang pagkakaiba ay ang official Facebook page lamang ng Vice Mayor Dodot ang may LIVE videos ng ating mga pagbisita sa Oplan Kaayusan.
-At huli, mag-ingat sa pagbibigay ng inyong personal na detalye online.
Hindi po kailanman manghihing ang Office of the Vice Mayor o sinumang opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ng inyong mga personal na impormasyon mula sa social media.
Lahat po ng official transactions ng Pamahalaang Lungsod, lalo na ang mga request sa financial assistance ay dadaan lamang sa ating mga opisina.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.
Patuloy tayong magtulungan laban sa mga scammers online!