[Updated Post] Evacuation Center para sa mga Naapektuhan ng Sunog sa Brgy. Manggahan
November 20, 2024
Tinatayang nasa halos 1,000 indibidwal ang kasalukuyang nananatili sa dalawang Evacuation Centers sa Brgy. Manggahan dulot ng sunog sa Kangkungan St., Villa Cruzis kagabi (November 19, 2024).
Matapos makapag-set up ng Evacuation Centers sa Kaalinsabay Covered Court at Napico Multipurpose Hall, agarang nakapag-deploy din at nakapag-distribute ng sleeping kits ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa mga nasunugan.
—-
Bandang 10:41PM nang maideklara ng Bureau of Fire Protection na fire out na. Umabot sa third alarm ang sunog kung saan residential area ang naapektuhan.