UNDAS 2022 ADVISORY October 29, 2022
October 29, 2022
UNDAS 2022 ADVISORY
Para sa kaligtasan ng lahat, pansamantalang isasarado ang Pasig City Cemetery (Barracks) ngayong araw, October 29, 2022, kaugnay ng Severe Tropical Storm Paeng.
Hinihikayat din ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang mga administrator ng private cemeteries na ikonsidera rin ang pansamantalang pagsasarado ng kanilang mga sementeryo ngayong araw.
Samantala, tuloy pa rin ang mga naka-schedule na libing ngayong araw sa Barracks, liban na lamang kung desisyon ng pamilya na i-reschedule ang libing sa ibang araw.
Mangyaring maghintay ng anunsyo ukol sa operations ng Pasig City Cemetery bukas, October 30, 2022, na nakadepende sa magiging lagay ng panahon.
Paalala sa mga Pasigueño, hangga’t maaari, ipagpaliban muna ang pag-alis ng inyong mga tahanan.
Ingat po ang lahat.