Tuwing Oktubre ay ipinagdiriwang ang Local Government Month.
October 10, 2022
Tuwing Oktubre ay ipinagdiriwang ang Local Government Month. Ngayong araw, Oktubre 10, ang itinalagang Local Government Day bilang paggunita sa pagkakapasa ng Local Government Code (LGC) noong 1991.
31 years na ngayong araw ang LGC! Bukod sa naibaba o naging decentralized ang paggogobyerno sa ilalim ng LGC, layunin nito na makapagbigay ang mga lokal na pamahalaan ng mas mabilis na serbisyo sa mga tao at maibalangkas ang pagkaroon ng may pananagutan ng gobyerno sa mga nasasakupan nito.
Ang LGC ang nagbigay mandato na magkaroon ng representasyon ang civil society organizations (CSOs) sa iba't ibang local special bodies sa mga lokal na pamahalaan. Sa pamamagitan nito ay nabibigyan ng boses ang mga mamamayan sa lokal na paggogobyerno.
Sa Lungsod ng Pasig, sa araw ng pagkakapasa ng LGC na nagbigay kapangyarihan sa mamamayan na makisangkot sa paggogobyerno, ginanap ang Pasig City CSO Workshop for Governance Engagement and Participation!
Sa workshop na ito, inilahad ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang "avenues for citizen participation in local governance" at nagkaroon din ng pagkakataon ang mga kinatawan ng iba't ibang CSOs para makapagbigay ng kanilang inputs ukol sa prayoritasyon ng projects, programs, at activities para sa 2023 Executive Budget ng Pasig City.
Highlight ng naging workshop ang naging oath taking ng mga nahalal na CSO representatives sa siyam (9) na local special bodies ng Lungsod ng Pasig:
Bukas ay mayroon muling Pasig City CSO Workshop for Governance Engagement and Participation para sa mga natitira pang CSO representatives na kabilang sa iba't iba pang local special bodies.
#UmaagosAngPagasa