Turn your Fried Food to PRIDE Food!

June 30, 2025

Mga ka-Nutrisyon!
Kulayan at bigyang buhay ang simpleng pritong ulam sa hapagkainan. I-check ang post mula sa Pasig City Nutrition Committee para sa makukulay na side dishes na maaari ninyong i-partner sa mga pritong ulam.
Konting mix and match lang kung anu-ano ang bagay! Parang pagpili lang yan ng kaibigan o kasintahan, pumili ng nagbibigay kulay sa iyong buhay!
Bilang pagtatapos ng selebrasyon ng Pride Month ngayong buwan ng Hunyo sa Lungsod ng Pasig, sinisiguro ng Pasig City Nutrition Committee na patuloy itong titindig at magbibigay ng KULAY sa hapagkainan tungo sa wastong kalusugan na kung saan ang BAWAT ISA ay may karapatan.