TRICK OR TREAT 2023

October 31, 2023



TRICK OR TREAT!!!!

Para sa advance celebration ng Halloween, isang trick-or-treat event ang ginanap sa Pasig City Hall noong Biyernes, October 27, 2023.

Nasa halos 900 na registered na mga batang kaanak ng mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang nakisaya at sali sa takutan na game na game na nilahukan ng iba't ibang opisina at tanggapan ng City Hall.

Naghalo ang takot at kasiyahan ng mga bata (at mga nanay/tita/ate/kuya) na bago makatanggap ng treats mula sa mga opisina ay kinailangan munang dumaan sa mga nakakatakot na pasilyo o makisalamuha sa mga kawani na pansamantalang nag-costume rin ng nakakatakot  na parte naman ng "trick." Salamat sa mga nakadalo! Kita kits sa susunod na taon!

HAPPY HALLOWEEN, PASIGUEƑOS!