Transport Strike-Related Advisories | November 19, 2023

November 19, 2023





Inaasahan na hindi gaanong maapektuhan ang mobilidad sa Lungsod ng Pasig kaugnay ng scheduled three-day transport strike na magsisimula bukas hanggang sa Miyerkules (November 20-22, 2023), ayon sa impormasyon tungkol sa mga apektadong ruta mula sa LTFRB. 

LIBRENG SAKAY

Sa kabila nito, nakahandang mag-deploy ng Libreng Sakay vehicles ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa mga maapektuhang commuters dahil sa strike. 

Imo-monitor ng Traffic and Parking Management Office ang lagay ng mga daan para matukoy ang magiging deployment ng Libreng Sakay vehicles, kung kakailanganin. 

#MAYPASOK

Samantala, tuloy ang face-to-face classes sa kabila ng nasabing transport strike.