TODA Bayanihan: Dugong Alay, Sagip Buhay

March 21, 2024

Sa darating na Biyernes, March 22, 2024, inaanyayahan ang mga miyembro ng iba’t-ibang TODA (tricycle operators and drivers associations) sa Pasig na suportahan ang Blood Letting Activity ng Tricycle Operation and Regulatory Office (TORO) na may temang “TODA Bayanihan: Dugong Alay, Sagip Buhay!”
Bukas din ito para sa mga residente ng Pasig na interesadong mag-donate ng dugo. Para sa mga nais na makiisa sa blood letting activity na ito, magtungo lamang sa TORO Compound na matatagpuan sa TBAR, F. Manalo St., Sto. Tomas, Pasig City, mula 08:00AM hanggang 03:00PM.
Ang blood letting activity na ito ay naging posible sa pangunguna ng TORO katuwang ang Serving Hearts Charity, Inc. at Lung Center of the Philippines, at pakikipagtulungan sa tanggapan ni Councilor Volta delos Santos, Akay ni Sol, at UPCTODA.