TINGNAN: Updating Meeting at ilan sa Response Efforts ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig kaugnay ng Severe Tropical Storm #PaengPH

October 29, 2022

TINGNAN: Updating Meeting at ilan sa Response Efforts ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig kaugnay ng Severe Tropical Storm #PaengPH
Kaninang 05:00PM ay nagkaroon ng updating meeting ang mga miyembro ng Incident Management Team ukol sa response efforts ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Ilan sa mga napag-usapan sa meeting ay updates ukol sa latest na kalagayan ng panahon; efforts ukol sa clearing lalo na ng mga nagbagsakang puno na makakaabala sa daan; camp management at peace and order concerns; at medical management sa evacuation centers.
-Rumeresponde sa mga report ng fallen trees ang iba't-ibang units ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, kabilang ang koordinasyon sa Meralco kung sakaling may mga natamaang linya ng kuryente kaugnay ng pagbasak ng mga puno.
-As of 06:00PM, nasa 64 families o 269 individuals na ang nasa ating evacuation centers. Nasa 19 ang evacuation centers na kasalukuyang nakabukas ngunit nakahanda rin ang iba pang eskwelahan o usual evacuation centers kung sakaling kailanganin din silang mag-operate.
Kaya naman kung may evacuation order na mula sa mga awtoridad sa inyong mga barangay (pre-emptive man o forced evacuation) ay lumikas na po tayo. Lalo pong mahirap lumikas kung kailan mataas na ang tubig.
-Bawat evacuation center ay may naka-deploy na mga kinatawan ng City Health Department-Barangay Health Centers para masiguro na makakapagbigay ng medical assistance sa mga ito. Ilan sa medical assistance ang paga-administer ng rapid antigen test para sa mga may sintomas ng COVID-19 at pagdidistribute ng mga gamot, maging ng face masks. Coordinated rin ang case management sa ating CESU kung sakaling magkaroon ng confirmed case ng COVID-19 sa evacuation sites. Mayroon ding nakahandang mga gamot na anti-tetano para sa ating responders.
-Kaakibat ng camp management ang Community Kitchen para sa pagbibigay ng pagkain di lamang sa evacuees, kundi para sa ating DRRM responders.
-Lahat naman ng pumping stations ng Lungsod ng Pasig ay may nakadeploy para masigurong gumagana at continuous ang pagpu-pump ng tubig para makatulong sa flood management ng lungsod.
Mag-ingat po ang lahat!
#pasighanda2022