TINGNAN: Turnover Ceremony ng 200 wheelchairs mula sa Operation Blessing Foundation

November 28, 2022

Isang turn over ceremony ng donated wheelchairs mula sa Operation Blessing Foundation Philippines, Inc., sa pangunguna ng kanilang Presidente na si Mr. Peter Kairuz, ang ginanap matapos ang lingguhang flag ceremony ngayong araw, November 28, 2022. 

Kasunod ng turnover ceremony ay ang pamamahagi ng wheelchairs sa mga benepisyaryong persons with disability sa ating lungsod. Inaasahan na makatutulong ang donasyon na ito para sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

Ang Operation Blessing Foundation, Inc. ay isang non-government organization na naglalayong makatulong sa mga Pilipino sa buong bansa sa pamamagitan ng iba’t ibang medical mission, humanitarian relief, at development assistance, at iba pa. 

Upang mapadali ang proseso ng donasyon, kabilang ang pagtanggap at pagsala ng mga aplikasyon para maging benepisyaryo ng libreng wheelchairs, ipinadaan ito ng Operation Blessing Foundation sa Persons with Disability Affairs Office ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig – ang opisinang may mandato na siguruhing may nakatutok sa kapakanan ng persons with disability sa Lungsod ng Pasig at magpatupad ng mga programa at proyekto na tutugon sa kanilang mga pangangailangan.