TINGNAN: TURN OVER CEREMONY NG 28 FIRE TRUCKS SA MGA BARANGAY NG PASIG

September 14, 2023































TINGNAN: TURN OVER CEREMONY NG 28 FIRE TRUCKS SA MGA BARANGAY NG PASIG 

Tatlong turn over ceremonies ang isinigawa ngayong araw, September 14, 2023, para opisyal nang ma-distribute ang donated fire trucks sa 28 barangays ng Pasig.

Nagsimula ang turn over ceremonies sa East Bank, Manggahan kung saan 11 barangays (Palatiw, Pinagbuhatan, San Miguel, Sta. Cruz, Sto. Tomas, Dela Paz, Manggahan, Maybunga, Santolan, Sta. Lucia, at Rosario) ang nakatanggap ng kanilang fire trucks.

Sinundan naman ito ng turn over ceremony sa Ortigas Park, Emerald Ave., San Antonio, kung saan 6 barangays (Pineda, San Antonio, Ugong, Kapitolyo, Oranbo, at Bagong Ilog) naman ang tumanggap ng fire trucks. 

Samantala, nagtapos ang series of turn over ceremonies sa Caruncho Avenue, para sa naman sa opisyal na distribusyon ng fire trucks sa natitirang 11 barangays (Caniogan, Kapasigan, Sagad, San Nicolas, San Jose, Bambang, Buting, Malinao, San Joaquin, Sta Rosa, Sumilang). 

Bawat turn over ceremony ay dinaluhan nina Mayor Vico Sotto, Congressman Roman Romulo, Vice Mayor Dodot Jaworski, mga konsehal, mga punong barangay at kagawad ng recipient barangays, opisyal at mga kinatawan ng Bureau of Fire Protection (BFP), maging barangay volunteers at NGO fire fighters. Kasunod ng maiksing programa kada venue ay nagkaroon din ng pagbi-bless ng fire trucks bago opisyal na iabot ang susi ng mga ito sa mga barangay.  

Dinaluhan ni BFP-NCR Regional Director CSUPT Nahum B. Tarroza, DSC ang naging turn over ceremony sa Caruncho Ave., kung saan ipinahayag niya ang kanyang paghanga sa pagkakaroon ng donasyon ng pinakamaraming (28) fire trucks sa mga barangay, na ngayon lamang niya nasaksihan sa kanyang higit dalawang dekadang paglilingkod sa BFP. 

Ang bawat truck na ito ay may kasamang breathing apparatus, PTO pump, car racing seat, blinkers, built-in siren, low-frequency sound wave sirens, at marami pang iba. Ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang kauna-unahan sa Pilipinas na magkakaroon ng ganitong feature (particular ang low-frequency sound wave sirens) ng fire trucks.

Bukod sa fire trucks, may kasama ring training para sa recipient barangays para masiguro na may kakayahan din ang mga ito na gamitin ang donated firetrucks at makatulong ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig at BFP sa pagresponde sa mga insidente ng sunog sa kanila-kanilang hurisdiksyon. Ang mga barangay na nakatanggap ng donasyon ng fire trucks mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig ay ang mga nag-request o nagpahayag ng pangangailangan para rito. 

Ang turn-over ceremonies na ito ay naging posible sa pangunguna ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office (Pasig City DRRMO).