TINGNAN: Training on Government Procurement Reform Act (Republic Act No. 9184) and its Revised Implementing Rules and Regulations
April 3, 2023
Nagtipon ang mga department head at mga naitalagang Procurement Officer ng iba’t ibang departamento/opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa isang 3-day training patungkol sa Republic Act No. 9184 o Government Procurement Reform Act simula noong Huwebes hanggang Lunes (March 30-31, at April 3, 2023).
Naging hitik sa diskusyon ang tatlong araw na training kung saan tinalakay ng mga piling resource speaker na sina Mr. Bryan Bigalbal, Dr. Gilchor Cubillo, at Mr. Rodrigo Marquez ang mga mahahalagang impormasyon ukol sa Government Procurement Process tulad ng Basics Procurement; Procurement Planning and Budget Linkage; Preparation of Cost Estimates; Preparation of Technical Specifications, Scope of Works, Terms of Reference; Procurement Monitoring; Green Public Procurement; at Penal, Civil, at Administrative Provisions ng RA 9184.
Layunin nito na mahasa at mapaghusay ang kaalaman at kakayahan ng Procurement Officers upang masiguro na tama, maayos, at naaayon sa Government Procurement Process ang pamamaraan ng pag-procure ng mga kinakailangang kagamitan at serbisyo ng bawat departamento/opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Naging posible ang nasabing training sa pangangasiwa ng Pasig City Procurement Management Office sa pakikipagtulungan sa Government Procurement Policy Board.