TINGNAN: STATE OF THE CITY ADDRESS 2023

October 7, 2023



Nagtipon ang mga opisyal, department/office heads, at mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, maging mga representante mula sa national government agencies, development partners, iba’t ibang government at non-government organizations, at iba pang stakeholders sa Lungsod ng Pasig para sa State of the City Address (SOCA) 2023 na ginanap noong Huwebes, October 5, 2023, sa Pasig City Sports Center.

Ito ang ika-limang SOCA ni Mayor Vico Sotto (ang pangalawa sa kanyang ikalawang termino bilang alkalde) at kaiba ito sa apat na nauna dahil ito ay idineliver habang ginaganap ang isang Special Session ng 11th Sangguniang Panlungsod ng Pasig. Dito ay inaprubahan ang resolusyon upang opisyal na imbitahan si Mayor Vico Sotto na i-deliver ang SOCA sa naturang Special Session na agad namang pormal na inihatid sa kanya ng ilang miyembro ng konseho. Bukod pa rito, naipasa sa Pinal na Pagbasa ang mga sumusunod: pagbibigay ng PHP1,000 cash incentives sa lahat ng teaching at non-teaching personnel sa mga pampublikong paaralan sa ating lungsod, kaugnay ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day at Resolusyon na naga-amiyenda sa Annual Investment Program para sa taong 2024. 

Matapos nito ay nagbigay ng mensahe si Congressman Roman Romulo kung saan kaniyang binigyang diin ang mahalagang panukala sa Kongreso kaugnay ng mga plataporma para sa education recovery plan ng bansa at ang panukalang batas na Career Progression para sa ating mga dakilang guro. Nagbigay ulat din si Vice Mayor Dodot Jaworski, Jr. kaugnay naman ng accomplishments ng Sangguniang Panlungsod nitong nagdaang taon. Ayon sa kanya, mayroong higit 400 panukala ang naipasa ng 11th Pasig City Council na dumaan sa extensive committee hearings at higit 70 regular at special sessions. Nagbanggit din siya ng landmark legislations na naipasa ng konseho na tumutugon sa mga pangangailangan at kapakanan ng mga Pasigueño. 

Nang matapos ang mga mensahe nina Congressman Roman at Vice Mayor Dodot, naganap na ang State of the City Address ni Mayor Vico. Sa kaniyang talumpati, inilihad niya ang major accomplishments ng lokal na pamahalaan mula July 2022 hanggang sa kasalukuyan. Binigyang diin niya ang mga programa at proyekto na nakapaloob sa priority thrusts ng administrasyon. Ilan sa mga proyektong nabanggit ni Mayor Vico ay ang mga sumusunod: 

Sa ilalim ng KALUSUGANG PANGKALAHATAN: pagpapalawig ng health services ng Pasig City Children’s Hospital at conversion nito upang maging Level 2 General Hospital; konstruksyon at pagsasaayos ng mga health centers na sumusunod sa DOH guidelines; patuloy na pag-operate ng Pasig City Mega Dialysis Center na kinikilala ngayon bilang ikalawa sa pinakamalaking dialysis center sa buong Pilipinas; at pagpapatibay ng implementasyon ng Universal Health Care.

Para naman sa PABAHAY PARA SA MAPANLAHOK AT MAUNLAD NA MAMAMAYAN: pagbili ng mga lupa para makapagpatayo ng in-city housing projects at iba pang pampublikong pasilidad at pagsiguro sa pagbabayad ng just compensation para sa mga may-ari ng mga lupain na nasakop sa pagpapatayo ng mga proyekto ng Pamahalaang Lungsod. Dito rin niya ibinahagi ang tagumpay ng lahat ng makapag-award ng Certificates sa nasa 160 member- beneficiaries ng Land for the Landless sa Brgy Palatiw at at 585 member-beneficiaries naman sa Kalawaan. 

Samantala, para sa DE-KALIDAD NA EDUKASYON NG MAMAMAYAN TUNGO SA MAUNLAD NA BAYAN: patuloy na pagpapatibay ng education system sa Lungsod ng Pasig sa pamamagitan ng iba’t ibang educational at financial programs/assistance gaya ng one-time transportation and connectivity allowance, PAG-ASA Scholarship Program, at pag-hire ng mga karagdagang guro upang mas matutukan ang mga mag-aaral na Pasigeuño; pagkilala at pagbibigay ng cash incentives sa mga kabataang Pasigueño na nagbigay ng karangalan sa larangan ng academics at sports. 

Sa ilalim ng MAAGAP NA SERBISYO: Patuloy na pagpapabuti pa ng distribusyon ng assistance sa mga biktima ng mga kalamidad; pagpapatatag ng kakayahan ng stakeholders hanggang sa barangay level para sa disaster preparedness; pagkakaloob ng fire trucks, extinguishers, AEDs, at patient transport vehicles sa mga barangay; pagsasaayos ng solid waste collection dahil sa programa na Solid Waste Collection by Administration; paglulunsad ng mga programa na makatutulong sa pang araw-araw na pangagailangan ng mga Pasigueño tulad ng TAPAT Loan Program, Mega Job Fair, at KAAGAPAY; at pagpapalawig ng mga programa at serbisyo para sa mga senior citizens at solo parents. 

Sa aspeto naman ng TAPAT AT MASINOP NA PAMAMAHALA: Pagpapatupad ng mga reporma sa Human Resource Management and Development kung saan ipinagmalaki ni Mayor Vico mayroon nang 4,260 permanent employees ang lokal na pamahalaan (mas marami na ang permanent employees kaysa sa casual at job orders bunsod ng mass regularization program, kaugnay ng patuloy na pagbibigay ng integridad at pagpapalakas ng human resources ng Pamahalaang Lungsod); pagbibigay ng PRIME HRM Level II Bronze Award mula sa Civil Service Commission bilang pagkilala sa mga sistema sa apat na aspeto ng HR manahement; paghirang sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig bilang Most Business-Friendly LGU sa NCR; at pagpapaigting ng people’s participation isa paggogobyerno sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay ng capacity building activities para sa civil society organizations, patuloy na pagbubukas ng mga mekanismo para sa mapanlok na pamamahala, at pagpapalawig pa ng pag-accredit ng CSOs na ngayong 2023 ay umabot na sa 635.

Naantala ang State of the City Address dulot ng technical problem sa venue. Sa kanyang pagtatapos, hinikayat ni Mayor Vico ang bawat isa na ipagpatuloy ang pagsuporta sa mga proyekto ng pamahalaan at sama-samang gawin ang mga imposible para sa kapakanan ng mamamayan at ng Lungsod ng Pasig.

Matapos ang SOCA, naganap naman ang opisyal na pagsusumite sa mga miyembro ng 11th Sangguniang Panlungsod ng 2024 Executive Budget ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na nagkakahalaga ng PHP17.2B. 

Gustong balikan ang mga kaganapan sa SOCA 2023? Panoorin ang Facebook Live stream sa mga link na ito: 

Part 1: https://bit.ly/2023SOCAPart1

Part 2: https://bit.ly/2023SOCAPart2 

#PanahonNgPasigueño