TINGNAN: Selebrasyon ng International Day Against Drug Abuse and Ilicit Trafficking (IDADAIT) sa Pasig

June 24, 2023









Back-to-back na Lakad Laban sa Droga para sa Bida at Kabataan Kontra Droga Laban sa Korapsyon ang naging pagdiriwang ng IDADAIT sa Pasig City na ginanap ngayong araw, June 24, 2023 sa Pasig City Hall Quadrangle. 

Nasa 670 participants ang lumahok sa Lakad Laban sa Droga para sa Bida mula sa 30 barangay ng Pasig, Pasig City Scholars, Boy Scouts of the Philippines - Pasig, Girl Scouts of the Philippines - Pasig, KKDAT- Pineda, Philippine National Police - Pasig, at iba pang Anti-Drugs Advocates sa ating lungsod. 

Matapos ang Lakad Laban sa Droga ay nagkaroon ng maiksing programa para sa Kabataan Kontra Droga Laban sa Korapsyon kung saan nagbigyan ng mensahe sina Atty. Wilson Asueta District Director ng PNP at Ms. Mariann Anceno ng Department of the Interior and Local Government - Pasig at nagbigyan ng certificates para sa mga dumalo.

Ang back-to-back na activity na ito ay naging posible sa pangunguna ng Pasig City Anti-Drug Abuse Office at pakikipagtulungan sa iba't ibang tanggapan sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig at organisasyon sa lungsod Pasig.