TINGNAN: Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa Pasig

June 8, 2023



Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa naganap na Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na ginanap kaninang alas-nuwebe ng umaga, June 8, 2023, sa pangunguna ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO). 

Sa hudyat ng pagtunog ng sirena na nagmula sa Office of Civil Defense, nag-duck, cover, and hold ang mga empleyado at bisita ng Pasig City Hall at ilang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, at pumunta sa mga designated evacuation site gaya ng City Hall Quadrangle at Tanghalang Pasigueño.

Parte rin ng nasabing drill ang pag-check ng mga posibleng pinsala sa gusali ng City Hall na pinangunahan naman ng City Engineering Office at Office of the Building Official. 

Layunin ng pagsasagawa ng NSED ang maihanda at malaman ng bawat indibidwal ang mga dapat gawin kung sakaling makakaranas ng paglindol sa Lungsod ng Pasig.