TINGNAN: SECOND-LEVEL PRIORITIZATION OF PROGRAMS, PROJECTS, AND ACTIVITIES IN THE PROPOSED 2024 ANNUAL INVESTMENT PROGRAM WITH REPRESENTATIVES OF DEPARTMENTS/OFFICES
April 14, 2023
Kahapon, April 13, 2023 ay ginanap ang Second-Level Prioritization ng Programs, Projects, at Activities na bumubuo sa panukalang 2024 Annual Investment Program kasama ang mga hepe at technical staff ng mga department/opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Layunin ng activity na ito na mas pinuhin pa ang mga panukalang programa, proyekto, at aktibidad (PPAs) ng mga departmento/opisina para sa susunod na taon, sa pamamagitan ng pagtukoy ng priority PPAs.
Ipinaliwanag ang kahalagahan ng pagpa-prioritize ng PPAs: para mas maging episyente ang pagba-badyet ng limitadong financial resources ng lungsod; masiguro ang alignment ng mga ito sa iba't ibang development plans (i.e., Comprehensive Development Plan at Local Development Investment Plan), at maging ang alignment ng mga ito sa mga prayoridad ng kasalukuyang administrasyon.
Bago ang workshop, nagkaroon ng mga presentation ukol sa (1) proseso ng pagbuo at pagfinalize ng 2024 AIP at (2) nging resulta ng First-Level Prioritization ng PPAs ng 2024 AIP kasama ang mga kinatawan ng civil society organizations sa local special bodies ng Lungsod ng Pasig na naganap noong April 4, 2023.
Bukod sa inputs na ito ay nagkaroon din ng presentation ng (1) Income at Revenue Forecasts para sa 2024 at (2) considerations sa pagpa-prioritize ng 2024 PPAs sa pamamagitan ng pagre-review ng sectoral goals, objectives ng Comprehensive Development Plan, at Sectoral at Thematic Plans.
Gamit ang inputs mula sa presentations ay nagkaroon ng workshop para sa prioritization ng PPAs gamit ang Project-Resource Impact Matrix o PRIM, kung saan sinuri ang magiging epekto ng mga panukalang proyekto at aktibidad ng mga departamento at opisina sa: natural resource, human resource, infrastructure/technology, at financial resources ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig. Bukod sa mga ito ay ginamit ding batayan sa workshop ang naging resulta ng prioritization kasama ang mga kinatawan ng civil society organizations, kung saan nasa 109 PPAs ang natukoy na priority ng mga ito.
Mula sa naging resulta ng paggamit ng PRIM ay ini-rank ng mga departamento/opisina ang kanilang panukalang PPAs. Ipinasa ang mga naging output ng workshop na siyang magiging batayan naman ng Local Finance Committee sa susunod na prioritization/cleansing ng PPAs ng 2024 Proposed AIP.
Ang Second-Level Prioritization Workshop ay pinangunahan at pinangasiwaan ng City Planning and Development Office, na siyang in-charge sa pag-consilidate, pag-analisa, at pagbuo ng AIP, alinsunod sa guidelines na itinakda ng national government agencies at Local Finance Committee.