TINGNAN: SECOND CITY DEVELOPMENT COUNCIL MEETING FOR 2024 IN PLENARY
June 3, 2024
Apat na mahahalagang resolutions ang naaprubahan sa ginanap na ikalawang pagpupulong ng City Development Council (CDC) para sa taong 2024 na ginanap noong Martes, May 28, 2024.
Bago nagkaroon ng pag-apruba ng mga nasabing resolusyon na ito ay nagkaroon muna ng presentasyon ng mga ito. Unang pinresenta ang Amended List ng mga Programa, Proyekto, at Aktibidad (PPAs) na popondohan mula sa 20% Community Development Fund (CDF) para sa kasalukuyang taon (CY 2024) sa pangunguna ni Atty. Bernice Mendoza ng Office of the City Mayor. Binasa naman ni City Administrator Atty. Jeronimo Manzanero ang kaakibat nitong City Development Council (CDC) Resolution, ang CDC Resolution No. 2024-002, o ang Resolution Amending the List of PPAs under the 20% CDF. Bago nagkaroon ng mosyon para aprubahan ito ay binigyang pagkakataon ang miyembro ng CDC mula sa hanay ng mga barangay at civil society organizations (CSOs) na makapagtanong tungkol sa naging presentasyon.
Sumunod naman na presentasyon ang patungkol sa Second Supplemental Annual Investment Program (SIP) para sa taong 2024. Katulad ng naunang parte ng CDC meeting, nagkaroon muna ng presentasyon at diskusyon tungkol sa (SIP #2) sa pangunguna pa rin ni Atty. Mendoza ng Office of the City Mayor at ang pagbabasa ng CDC Resolution No. 2024-003, Approving and Recommending the Adoption of the Second Supplemental Annual Investment Program para sa taong 2024 sa pangununa ni Atty. Manzanero. Inaprubahan din ito ng mga miyembro ng CDC pagkatapos ng Question and Answer portion tungkol sa presentation ng SIP #2.
Matapos ang mga naging talakayan sa mga naging rebisyon at karagdagang PPAs para sa taong 2024, dumako naman ang naging diskusyon para sa mga plano sa 2025.
Naunang ipinakita sa lahat ang listahan ng PPAs na popondohan mula sa 20% CDF para sa CY 2025 na ipinresenta ni City Planning and Development Coordinator (CPDC) EnP Priscella Mejillano, at binasa naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) - Pasig Field Director Visitacion Martinez, CESO V, and naging CDC Resolution No. 2024-004, Resolution Approving the Various Programs, Projects, and Activities under the 20% CDF for CY 2025.
Sinundan naman ito ng naging presentasyon tungkol sa Annual Investment Program (AIP) para pa rin sa susunod na taon. Pinanungahan pa rin ni CPDC EnP Mejillano ang presentasyon ng 2025 AIP Preparation Milestones and Summary of Sectoral AIPs for 2025. Sa tulong ng Sectoral Co-Chairs mula sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig ay nagkaroon din ng presentasyon ng Sectoral at Sub-Sectoral AIPs para sa 2025. Sunud-sunod na ipinresenta ang mga sumusunod: Social Sector (Health; Housing; Education, Sports, and Recreation; Social Welfare; Public Safety) Economic Sector, Environmental Sector, Infrastructure Sector, at Institutional Sector. Samantala, si DILG Pasig Field Director Martinez pa rin ang nagbasa ng CDC Resolution No. 2024-005 o Resolution Approving the Annual Investment Program for CY 2025.
Nagkaroong muli ng pagkakataon ang mga kinatawan mula sa barangay at civil society organizations na miyembro ng CDC na makapagtanong tungkol sa mga PPA na laman panukalang AIP para sa 2025 at mga popondohan mula sa 20% CDF para sa 2025. Matapos ang naging diskusyon ay opisyal na ring naaprubahan ito.
Sa kanyang mensahe, pinaalala ni Vice Mayor Dodot Jaworski, Jr. ang bisyon ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig at kung paano dapat magsilbing collective vision ito para sa lahat at masiguro ang pagtataguyod ng mga programa, proyekto, at aktibidad na makakatulong na maabot ng Lungsod ng Pasig ang nasabing bisyon.
Samantala, naging paksa naman ng mensahe ni Mayor Vico Sotto ang pagiging maayos ng planning and budgeting process sa Pamahalaang Lungsod sa Pasig. Nagpasalamat siya sa mga hepe at staff na tumulong para maisakatuparan ang mga reporma na ipinatupad. Aniya, "The big things of tomorrow start with the little decisions that we make today." Nagpasalamat din siya sa mga kinatawan ng CSOs na buong pusong paniniwala sa mga reporma kaya naman naniniwala ang Punong Lungsod na sustainable ang mga repormang ginagawa kung mananatiling aktibo ang mamamayan sa pamamagitan ng CSOs.
Sa kanyang pagtatapos, pinaalala naman ni Congressman Roman Romulo ang kahalagahan ng convergence sa pagitan ng Pamahalaang Barangay at Pamahalaang Lungsod.
——
Ang pagsasagawa ng City Development Council ay pinangasiwaan ng City Planning and Development Office na siyang nagsisilbing Secretariat nito.