TINGNAN: RESULTA NG NAGING PUBLIC AUCTION
February 7, 2024
Umabot sa halos PH2.3 million ang kabuuang nalikom na bid price sa naging auction para sa disposal ng iba't ibang unserviceable properties, scrap and waste materials, at vehicles na pagmamay-ari ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Nasa 15 kumpanya ang opisyal na nagpasa ng bids at dumalo sa actual opening of bids na ginanap noong January 11, 2024. Lubos na nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng Appraisal and Disposal Committee, sa mga kumpanya na lumahok sa nasabing public auction. Inaasahan ang inyong patuloy na pakikilahok sa mga susunod pang public auction na magaganap at maging ang pagsali pa ng ibang kumpanya sa mga ito.
Nagsimula na ang tatlong winning bidders (Autoparts Supply A & P para sa Lot 1; Amores Scrap Trading para sa Lot 2; at MGGP3 Trading Corporation para sa Lot 3) na hakutin ang items/unit na kanilang napanalunan sa Public Auction mula sa warehouse ng Office on General Services.