TINGNAN: Resulta ng Eleksyon ng Pasig City Civil Society Organization (CSO) Representatives para sa Local Special Bodies (2022-2025) mula sa 13 Pang Sektor

September 25, 2022

TINGNAN: Resulta ng Eleksyon ng Pasig City Civil Society Organization (CSO) Representatives para sa Local Special Bodies (2022-2025) mula sa 13 Pang Sektor 

Noong September 19-20, 2022 ay nagsagawa ng eleksyon ang accredited at recognized CSOs para matukoy ang mga kakatawan sa kanilang mga sektor sa nasa 20 local special bodies sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig.

Nilalaman ng material ang naging resulta ng eleksyon para sa mga sumusunod na sektor: senior citizens; cooperatives; persons with disabilities; transportation/TODA; youths/students; solo parents; professional organizations; LGBTQIA+; non-government organizations; women; religious/faith-based organizations; formal labor and migrant workers, workers in the informal sector, vendors; at civic and other advocacy groups.

Ginagawa ito bilang isa sa mga hakbang para patuloy na buksan ang paggogobyerno sa mga tao o pagsusulong ng participatory governance sa Lungsod ng Pasig.

Congratulations po sa lahat ng nanalo! Inaasahan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang inyong aktibong partisipasyon sa inyong local special body na kinabibilangan.

Tingnan ang post ukol sa pagdaraos ng CSO Assembly 2022  sa link na ito: https://bit.ly/PC_CSOAssembly2022

At ang resulta ng eleksyon ng mga CSO na mula sa hanay ng HOAs at urban poor sa link na ito: https://bit.ly/CSOinLSBs_HOA_UrbanPoor

#TuloyAngAgos