TINGNAN: PRESENTATION OF THE PRIORITIZED 2024 ANNUAL INVESTMENT PROGRAM TO ALL OFFICES, RE-ORIENTATION ON THE 1ST QUARTER MONITORING AND EVALUATION, AND COMPLETION OF THE 2023-2025 EXECUTIVE-LEGISLATIVE AGENDA
April 26, 2023
Matapos ang naging review ng Local Finance Committee ng naging resulta ng Prioritization Workshop kasama ang mga kinatawan ng iba't ibang departamento/opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, nagkaroon ng presentation ng prioritized 2024 Annual Investment Program (AIP) ngayong araw, April 26, 2023 na ginanap sa Maybunga Rainforest Park.
Isa sa mga layunin ng aktibidad na ito ay balikan muli ang proposed 2024 AIP sa pamamagitan ng isang workshop upang magkaroon ng isa pang round ng prioritization ng mga programa, proyekto, at aktibidad (PPAs), batay sa ibinigay na "cap" ng Local Finance Committee. Matatandaang naisalang na sa ilang level ng prioritization ang proposed 2024 upang masiguro na ang PPAs ay aligned sa sectoral themes, plans; tumutugon sa sectoral issues; alinsunod sa strategic objectives at targets; at makakatugon sa matatagal at mga makabagong issues at concerns.
Pagkatapos ng workshop patungkol sa AIP ay binalikan din ang ikalawang draft ng Executive-Legislative Agenda (2023-2025), kung saan binigyang muli ng pagkakataon ang mga opisina/departamento na ma-review ang dokumento at ma-check kung implementable pa ang mga natukoy na PPAs rito at masiguro rin na maipaloob dito ang PPAs na nakasama sa proposed 2024 AIP.
Bago ang pagtatapos ay nagkaroon ng re-orientation tungkol sa 2023 monitoring and evaluation (M&E) kung saan nagkaroon ng diskusyon upang maging mas malinaw sa mga opisina/departamento ang mga magiging pagbabago sa M&E form at pagpapaliwanag ding muli sa required entries dito. Layunin nito na mas mapaigting pa ang kasalukuyang mekanismo para sa M&E sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig at patuloy na ma-improve pa ang pagpaplano at implementasyon ng PPAs.
Naging posible ang aktibidad na ito sa pangunguna ng City Planning and Development Office na may guideance mula sa Local Finance Committee.