TINGNAN: Planning Workshop para sa Formulation ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Plan para sa taong 2023-2028.

November 8, 2022


TINGNAN: Planning Workshop para sa Formulation ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Plan para sa taong 2023-2028.

Nagtipon ang mga kinatawan mula sa iba't ibang departamento ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa isang 3-day planning workshop na naglalagyong buuin ang Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Plan para sa taong 2023 hanggang 2028. 

Sa pangunguna ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) at sa gabay ng consultants mula sa relevant national agencies, naging hitik sa diskusyon ang planning workshop kung saan nagkaroon ng partisipasyon ang mga kinatawan sa pag-update ng Strength, Weaknesses, Opportunities, and Challenges analysis tool at pag-review ng mga existing at bagong prayoridad ng Pasig City DRRMO para sa long-term resilience plan ng lungsod. 

Naging daan din ang nasabing workshop upang makapagbahagi ng  inputs ang mga kinatawan na magsisilibing gabay para sa pagbuo ng LDRMM Plan. Sa unang round ng workshop, na nagsimula noong Lunes, November 7, 2022, tinutukan ang pagbuo ng goals, objectives, outcomes, at programs, projects, and activities. Magkakaroon pa ng ikalawang round ang workshop na ito na naka-schedule naman sa November 21-23, 2022.