TINGNAN: PASIGHENYO QUIZ BEE | PASIG CITY GOVERNMENT EMPLOYEE EDITION

July 28, 2023







Nagtagisan ng galing at talino ang mga representante ng bawat sektor ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa katatapos lamang na PasigHenyo Quiz Bee na ginanap kaninang hapon, July 28, 2023 sa Old BIR Bldg., Pasig City Hall Compound. 

Naging paksa ng quiz bee ang mga sumusunod: current events (local at national), national at local festivals, significant personalities (local at national), at Pasig City historical at cultural landmarks. 

Matapos ang tatlong rounds, nasungkit ni Mary Jane Bandoy mula sa Cultural Affairs and Tourism Office (Economic Sector) ang unang pwesto. Di rin naman nagpahuli sina Roberto Osorio mula sa Management Information Systems Office (Institutional Sector) at Annacelle Abenes mula sa Public Safety Division (Social Sector) nang kanilang makuha ang ikalawa at ikatlong pwesto.

Bukod sa certificate at medalya, nakatanggap ang mga nagwagi ng PHP 3,500.00 (1st Place), PHP 2,500.00 (2nd Place), at PHP 1,500.00 (3rd Place). Nakatanggap din ng tig-PHP 500.00 at Certificate of Participation bilang consolation prizes ang iba pang mga kalahok. 

Ang PasigHenyo Quiz Bee ay naging posible sa pangunguna ng Pasig City Museum, kaugnay pa rin ng selebrasyon ng ika-450 Araw ng Pasig.