TINGNAN: PASIG CITY YOUTH SUMMIT 2023
June 9, 2023
Nasa 135 youth participants mula sa 42 youth organizations at youth serving organizations ang dumalo sa Pasig City Youth Summit 2023 na ginanap noong May 26-28, 2023.
Ang Pasig City Youth Summit ay nagsilbing venue kung saan nakapagtipon para makapagdayalogo ang youth leaders ng ating lungsod para sa pagsusulong ng patuloy na pagpapabuti ng mga polisiya at programa na lalamanin ng Pasig Local Youth Development Plan (LYDP) 2024-2026. Bukod pa rito, nagkaroon din ng pagkakataon ang mga lumahok na youth leaders na malinang pa ang kanilang leadership skills.
Naging parte ng summit ang presentasyon ng accomplishment reports ng Sangguniang Kabataan Federation (2021-2022) at ng Local Youth Development Office at Pasig City Youth Development Council. Nagsilbing paglalatag din ng kontekso ang presentasyon ukol sa PasigueƱo Youth Profile at nagkaroon ng workshops upang matalakay ang issues at coping mechanisms ng mga kabataan at ang karampatang program proposals kaugnay ng mga ito. Nagkaroon din ng pagbalangkas ng inisyal na plano na lalamanin ng LYDP kada center for participation: health, education, governance, active citizenship, peace building and security, environment, global mobility, social inclusion and equity, at economic empowerment.
Nagkaroon ng presentasyon ng workshop output kada center for participation kung saan nagsilbing reactors sa mga ito ang mga kinatawan ng iba't-ibang opisina/departamento ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig tulad ng City Health Department (Health), City Environment and Natural Resource Office/Solid Waste Management Office (Environment), Gender and Development Office (Social Inclusion and Equity), Office of the City Mayor-CSO Desk (Governance), Local Youth Development Office (Active Citizenship at Global Mobility), Education Unit (Education), Peace and Order Department at Pasig City Anti-Drug Abuse Office (Peacebuilding and Security); Pasig City Institute of Science and Technology/Livelihood/Barangay Computer Literacy Program at Pasig City Local Economic Development and Investment Office (Economic Empowerment).
Nagkaroon din ng prioritization activity para sa pagtukoy ng programs, projects, at activities (PPAs) na lalamanin ng LYDP 2024-2026 na pinangasiwaan ng City Planning and Development Office.
Ang Pasig City Youth Summit ay isa sa mga mekanismo upang masiguro na magkakaroon ng partisipasyon ang mga kabataan sa pagtukoy ng PPAs na ipapatupad para sa kanila. Naging posible ang pagsasagawa ng Pasig City Youth Summit sa pangunguna ng Local Youth Development Office, sa pakikipagtulungan sa SK Federation, Pasig City Youth Development Coouncil, at iba pang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig.