TINGNAN: Pasig City CSO Academy Graduation

February 2, 2023



Nasa 61 graduates mula sa iba't ibang sektor ng civil society organizations (CSO) ang nagsipagtapos sa ilalim ng Pasig City CSO Academy ngayong araw, February 2, 2023, na ginanap sa Tanghalang Rizal. 


Sa loob ng tatlong buwan, tinutukan at pinag-aralan ng mga representante mula sa CSOs ang Local Government Code of 1991 (Republic Act 7160), partikular ang mga probisyon nito na may kaugnayan sa people's participation, iba’t ibang leadership principles, at ang dalawang core principles ng CSO Academy na pakikipagkapwa at praxis (practice). 


Layunin ng CSO Academy na palawakin at mapaghusay ang kaalaman at kakayahan ng mga CSOs para sa mas aktibong pakikilahok sa mga usapin at gawaing panlipunan.


Ang Pasig City CSO Academy ay ang unang CSO academy sa bansa na naging posible dahil sa inisyatibo ng Advocacies in Praxis for Leadership and Community Development Inc., isang non-governmental organization na pinamumunuan ni Executive Director Coach Paul Senogat, sa pakikipagtulungan sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig, Department of Political Science - Rizal Technological University, at Department of the Interior and Local Government - Pasig Field Office.