TINGNAN: PAGLAGDA NG TRIPARTITE AGREEMENT SA PAGITAN NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG PASIG, MERALCO, AT ENERGY REGULATORY COMMISSION

July 10, 2023







Pumasok sa isang Tripartite Agreement ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig, Meralco, at Energy Regulatory Commission (ERC) para sa pagtataguyod ng paggamit ng renewable energy sa Pasig City noong Huwebes, July 6, 2023.

Ilan sa mga programang saklaw ng partnership na ito ay ang Net-Metering Program at Distributed Energy Resources na makakatulong sa: pagma-manage ng electricty costs; pagbabawas ng greenhouse gas emissions; paglikha ng economic development; at pagpapabilis ng mga proseso para sa installation at permitting sa Lungsod ng Pasig.

Kaugnay ng partnership na ito, magkakaroon ng booth (isang araw kada isang linggo) ang Meralco at ERC na ipupwesto sa area ng Office of the Building Official para makapagpaproseso ang mga interesadong mag-apply ng Net-Metering Permit. Abangan ang eksaktong detalye na ipo-post din dito sa Facebook Page ng Pasig City Public Information Office.