TINGNAN: Pagkilala sa Top 5 Performing Offices sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa Performance Year 2022

January 8, 2024



Kinilala ang Top 5 Performing Offices ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig para sa taong 2022 sa isang maiksing programa na isinabay sa lingguhang pagtataas ng watawat na ginanap kaninang umaga, January 8, 2024 sa Pasig City Hall Quadrangle.
Kinilala ang mga sumusunod na opisina bilang Top 5 Performing Offices: Top 5: Business Permit and Licensing Department; Top 4: City Health Department; Top 3: City Planning and Development Office; Top 2: Ugnayan sa Pasig; at Top 1: Human Resource Development Office.
Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Mayor Vico Sotto ang mainit na pagbati sa limang opisina na nakatanggap ng award. Nag-iwan din si Mayor Vico ng hamon sa iba pang opisina na patuloy na pagbutihin pa ang paggampan sa tungkulin para sa susunod na assessment period ay maaaring sila naman ang kilalanin bilang isa sa Top Performing Offices.
--
Ang pagkilala na ito sa Top Performing Offices o Top Performing Office Recognition Program ay pinangangasiwaan ng PRAISE (Program on Awards and Incentives for Service Excellence) Committee. Layunin ng Top Performing Office Recognition Program na bigyang motibasyon at inspirasyon ang mga opisina sa City Hall upang mas mapabuti pa ang kalidad ng serbisyo ng mga ito para sa Lungsod ng Pasig at mga PasigueƱo.
Ang criteria para sa pagtukoy sa mga opisina/tanggapan na mapabilang sa mga makakatanggap ng Top Performing Office Award ay: 60% Office Performance Commitment and Review o OPCR (para mag-qualify, dapat ay nakakuha ang opisina ng Very Satisfactory rating ng dalawang magkasunod na rating period (January - June at July - December [Sa OPCR, tinitingnan kung ang itinarget sa simula ng taon ay nagagawa ba ng mga opisina] Para sa level ng mga empleyado, may katumabas ang OPCR na ICPR naman o Individual Performance Commitment and Review); 30% Office Compliance (kumpleto at on-time na submission ng mga required na mga dokumento mula sa mga opisina); at 10% Client Feedback (batay sa mga nakukuhang feedback sa mga serbisyo ng mga opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pamamagitan ng Ugnayan sa Pasig). Bukod sa mga criteria na ito ito, may bonus points din ang mga opisina na nagawaran/nakatanggap ng local/regional/national/international awards.
Ang limang Top Performing Office Awardees para sa Performance Year 2022 ay nakatanggap ng: plaque of recognition, isang multi-core heavy-duty graphics laptop, gift certificates para sa mga empleyado ng opisina na nakakuha ng Very Satisfactory rating (sa loob ng 2 rating periods ng 2022), at munting salo salo para sa opisina.
Mapapanuod ang naging Awarding Ceremony sa link na ito: https://bit.ly/2024_FlagCeremonyJan8