TINGNAN: Pagkilala sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig bilang "Most Business-Friendly LGU" sa NCR

October 20, 2022

TINGNAN: Pagkilala sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig bilang "Most Business-Friendly LGU" sa NCR

Ginawaran ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig bilang "Most Business-Friendly LGU" - City Level A1 or Highly Urbanized Cities within the  National Capital Region sa ginanap na  48th Philippine Business Conference and Expo sa Manila Hotel ngayong araw, October 20, 2022, na inorganisa ng Philippine Chamber of Commerce and Industry.

Tinanggap ni Mayor Vico Sotto at City Administrator Jeronimo Manzanero ang award mula kay President Bongbong Marcos, Jr. na nanguna sa paggawad ng Most Business-Friendly LGU awards.

Bukod sa Pasig LGU, nabigyan din ng award mula sa ibang category ang mga Lokal na Pamahalaan ng Pakil, Laguna; Kapalong, Davao Del Norte; Tagbilaran City, Bohol; General Trias City, Cavite; Mandaue City, Cebu; at Provincial Government ng Bulacan.

Ngayong 2022, iginawad ang Most Business-Friendly LGU award sa mga lokal na pamahalaan na nagsulong ng mga polisiya at nagpatupad ng mga programa para tulungang maibalik, maipagpatuloy, at maparami pa ang business operations sa kanilang mga lokalidad katulong ang pribadong sektor, matapos ang dalawang taong pagtamlay ng ekonomiya dulot ng COVID-19.

Ang award na ito ay pagkilala sa efforts ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ng iba't ibang opisina at departamento nito na kabilang sa Economic Development Cluster at pakikipagtulungan sa iba pang Sectoral Clusters para patuloy na palawigin ang Ease of Doing Business sa Pasig at pagsusulong ng public-private partnership para mas mapabuti pa ang business climate sa Pasig, lalo na para sa micro, small, at medium enterprises (MSMEs), na makakatulong para makapagbukas ng job opportunities sa Lungsod.

#UmaagosAngPagasa