TINGNAN: Pagkilala sa mga Natatanging Mag-aaral na Pasigueño na nagbigay ng karangalan sa Lungsod ng Pasig
June 13, 2023
Kinilala at pinarangalan ang mga natatanging mag-aaral na Pasigueño na lumahok sa iba’t ibang academic competitions – national at international, sa isang maiksing programa na parte ng lingguhang Pagtataas ng Watawat kaninang umaga, June 13, 2023 sa Pasig City Hall Quadrangle.
Kaugnay ng pagpasa ng Ordinance No. 105, s. 2023, nasasaad dito na bibigyang parangal at cash incentives ang mga mag-aaral na Pasigueño na nagwagi sa iba’t ibang national at international academic competitions kung saan sila ay makakatanggap ng mga sumusunod:
National Competitions:
• 3rd Prize/ Bronze Medalist: PHP 5,000.00
• 2nd Prize/ Silver Medalist: PHP 10,000.00
• 1st Prize/ Gold Medalist: PHP 20,000.00
International Competitions:
• 3rd Prize/ Bronze Medalist: PHP 10,000.00
• 2nd Prize/ Silver Medalist: PHP 20,000.00
• 1st Prize/ Gold Medalist: PHP 30,000.00
Sa maiksing mensahe ni Mayor Vico Sotto, kaniyang ipinaliwanag na bukod sa mga atletang Pasigueño, nararapat din na kilalanin at bigyang insentibo ang mga mag-aaral na lumalaban academically at nagbibigay ng karangalan sa Lungsod ng Pasig.
Bukod pa rito, hinihikayat din ni Mayor Vico ang lahat na panatilihin ang pagsulong ng pagpapaunlad ng spirit of excellence sa Lungsod ng Pasig – sa sports man o academics at maging sa kahit anong aspeto ng buhay.
Congratulations, mga mag-aaral na Pasigueño! Ipinagmamalaki kayo ng Lungsod ng Pasig!