TINGNAN: PAGKILALA SA MGA NAGSIPAGTAPOS NA COLLEGE AT TECHVOC PASIG CITY SCHOLARS NA NAGKAMIT NG HONORS AT DISTRIBUSYON NG FINANCIAL AID PARA SA MGA KUKUHA NG IBA’T IBANG BOARD EXAMINATIONS
December 7, 2022
Isang programa ang ginanap kahapon, December 6, 2022 para kilalanin ang mga nagsipagtapos na college at techvoc Pasig City Scholars mula sa Batch 2021-2022 na nagkamit ng honors. Nagkaroon ng distribusyon ng certificate at cash incentives para sa 317 scholars ng Pasig City Scholarship Program na ginanap sa Pasig City Sports Center.
Sa 317 scholars, 7 na Summa Cum Laude, 108 na Magna Cum Laude, 199 na Cum Laude, at 3 ang nakakuha ng honors mula sa Technical Vocational courses. Nagpaabot ng cash incentives ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa scholars na nagkakahalagang: PHP30,000 para sa Summa Cum Laude; PHP25,000 para sa Magna Cum Laude; PHP20,000 para sa Cum Laude; at PHP10,000 para sa Honors mula sa TechVoc.
Bukod sa cash incentive para sa honor graduates, nagkaroon din ng distribusyon ng financial assistance para sa board exam takers. Nasa 144 board exam takers ang nakatanggap ng PHP10,000 bilang tulong ng lokal na pamahalaan sa kanilang paghahanda para sa darating na board examinations. Bukas ang financial assistance na ito para sa mga Pasigueño na nakatakdang kumuha ng board/bar exams, maski hindi kabilang sa Pasig City Scholarship Program.
Ilan lamang ang mga ito sa mga insentibo ng lokal na pamahalaan na pinangangasiwaan ng Pasig City Scholarship Office upang mas magsumikap ang mga scholars sa kanilang pag-aaral.
#UmaagosAngPagasa