TINGNAN: Pagkilala sa mga atletang Pasigueño na nagbigay ng karangalan sa Lungsod ng Pasig sa katatapos na National Capital Region - Palarong Panrehiyon 2023

May 8, 2023



Pinarangalan ang mga atletang Pasigueño na lumahok sa iba't ibang sports event sa Palarong Panrehiyon 2023 - National Capital Region sa isang maiksing programa na parte ng lingguhang Pagtataas ng Watawat kaninang umaga, May 8, 2023 sa Pasig City Hall Quadrangle. 

Ang Palarong Panrehiyon ay tagisan ng husay sa larangan ng sports ng mga mag-aaral na nasa elementary at secodary levels. Ginanap ang Palarong Panrehiyon - National Capital Region noong April 24-28, 2023.

Sa pagtatapos nito, ang delegasyon ng Lungsod ng Pasig ay itinanghal na 2nd OVERALL CHAMPION matapos nilang makamit ang 1st Runner-Up (overall) para sa Elementary Level  sports events at 1st Runner-Up (overall) din para sa High School Level sports events. 

Sa kabuuan, nagkamit ng 26 gold, 22 silver, at 30 bronze medal ang delegasyon para sa elementary level; at nagkamit naman ng 41 gold, 21 silver, at 34 bronze ang delegasyon muna sa secondary level.

Bukod pa rito, napabilang din ang apat na athleta (arnis, archery, gymnastics, at swimming) sa “Most Bemedalled Athletes” o mga atletang may natanggap na pinakamaraming bilang ng medalya sa kanilang sports event; at nakatanggap naman ng special awards ang 22 atleta mula sa elementary at secondary level na lumaban sa iba’t ibang sports events.

Congratulations, mga kabataang atletang Pasigueño! Ipinagmamalaki kayo ng Lungsod ng Pasig! 

Mabuhay ang mga atletang Pasigueño!