TINGNAN: Pagkilala sa Lungsod ng Pasig bilang “Best City in NCR with Best Sanitation Practices and Programs” at “Best in National Aedes-Borne Viral Diseases Prevention and Control”

October 15, 2022

TINGNAN: Pagkilala sa Lungsod ng Pasig bilang “Best City in NCR with Best Sanitation Practices and Programs” at “Best in National Aedes-Borne Viral Diseases Prevention and Control”

Kinilala ng Department of Health - Metro Manila Center for Health Development ang Lungsod ng Pasig bilang “Best City in NCR with Best Sanitation Practices and Programs” at “Best in National Aedes-Borne Viral Diseases Prevention and Control” sa isang awarding ceremony na may temang “A Salute to Champions for Health” na ginanap kahapon, October 14, 2022, sa The Manila Hotel.

Sa labing pitong lokal na pamahalaan sa NCR, nanguna ang Lungsod ng Pasig sa pagsusulong ng best sanitation practices and programs dahil sa maayos at mas pinaigting na mga programa na nakatutok sa environmental sanitation sa pangunguna ng City Health Department-Environmental Sanitation Section. Natanggap naman ng Pasig City Dengue Task Force na nasa ilalim din ng City Health Department ang parangal bilang Best in National Aedes-Borne Viral Diseases Prevention and Control dahil sa pagsusulong nito ng mga magagandang programa kontra dengue sa bawat komunidad.

Ilan sa mga programang tinutukan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa pangunguna ng City Health Department ay ang: ligtas na pagkain at inumin para sa mga Pasigueño; patuloy na pagpuksa ng mga peste sa bawat komunidad; clean up drive at misting para mapuksa ang nga pinamamahayan ng lamok; disinfection drive kontra COVID-19 virus; masusing inspection ng food establishments; implementasyon ng information, education, and communication (IEC) campaign ukol sa dengue at environmental sanitation; at ang Zero Open Defecation Program kaugnay ng rehabilitasyon ng Manila Bay.

Kaakibat ng dalawang plaques of recognition ay ang cash prize na nagkakahalaga ng PHP 150,000 kada award. Ang cash prize na ito ay makatutulong upang mas matugunan ng lokal na pamahalaan ang mga programa na tututok sa produksyon ng IEC materials para mas mapalawig pa ang kaalaman ng mga Pasigueño ukol sa anti-dengue strategy ng Lungsod Pasig at patuloy na ma-promote ang kalinisan at kalusugan ng pamayanan. 

Bukod sa dalawang awards, nakatanggap din ng plaque of appreciation ang Lungsod ng Pasig dahil sa mga pinaigting nitong programa kaugnay ng pagsusulong ng Universal Health Care Law sa lungsod.