TINGNAN: Paggawad ng Pasig City Government Employees Service Award para sa Retirees

July 10, 2023










Binigyang parangal at insentibo ang 55 kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na nakatakdang magretiro ngayong 2023 sa isang maiksing programa kasabay ng lingguhang Pagtataas ng Watawat kaninang umaga, July 10, 2023. 

Sa pangunguna ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) Committee, binigyang parangal ang mga kawani ng lokal na pamahalan bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at mahabang taon ng paglilingkod sa Lungsod ng Pasig. Ang mga pinarangalan ay ang mga kawani na naglingkod ng labing limang taon pataas nang tuloy-tuloy at naabot ang mandatory age of retirement na 65 years old. 

Bukod sa plaque of recognition, nakatanggap din ang retirees ng personalized fossil wrist watch at gift check na nagkakahalaga ng PHP 2,000.00 hanggang PHP 10,000.00, depende sa bilang ng taon nila sa serbisyo.