TINGNAN: Paggawad ng “Employee of the Month Award” para sa Buwan ng Enero 2024 sa mga Natatanging Kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig
March 18, 2024
Kinilala at pinarangalan bilang Employee of the Month para sa buwan ng Enero 2024 ang apat na kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa isang maiksing programa kasabay ng lingguhang pagtataas ng watawat kaninang umaga, March 18, 2024.
Sa pangunguna ng Human Resource Development Office na nagsisilbi ring Secretariat ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) Committee, binigyang parangal ang mga natatanging kawani ng lokal na pamahalaan bilang pagkilala sa kanilang mahusay na pagganap sa mga tungkulin at responsibilidad na nakatalaga sa kanila.
Bilang mga Employee of the Month, ginawaran ng Certificate of Recognition at PHP 5,000.00 na cash incentive sina:
- Mr. George G. Valencia | Office of General Services (OGS) - Outstanding Utility Worker
- Ms. Eva Christine S.J. Nazareth | OGS - Outstanding in Administrative Support
- Ms. Leilani C. Lucero | Pasig City Science High School - Outstanding in Education and Social Services
- Ret Major Cesario M Tubog | Bantay Pasig Division - Outstanding Division Chief/Section Head
Ang programang Employee of the Month/Year award na nagsisilbing pagkilala at pagbibigay parangal sa determinasyon at pagsisikap ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan ay naglalayong palakasin ang moral, pagtutulungan, kooperasyon, at partisipasyon ng mga empleyado bilang bahagi ng isang organisasyon.
Ito ang unang pagkakataon na nakapagbigay ng Employee of the Month of Award sa ilalim ng PRAISE. Alinsunod sa PRAISE Resolution No. 1, 2. 2022, may walong ( 8 ) Award Categories ang Employee of the Month at Employee of the Year awards. Para sa awarding ceremony ng January 2024 Employee of the Month: apat sa walong award categories lamang ang napunan. Bukod sa apat na award categories na nabanggit sa taas, kabilang din ang Outstanding in Financial and Economic Services; Outstanding in Medical and Health Care Services; Outstanding in Engineering Services; at Outstanding Peace and Order Services.
–
Ang nominasyon para sa Employee of the Month ay bukas para sa lahat ng mga permanent, casual, contractual, co-terminous, at job order employees na higit isang taon ng nagtatrabaho sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Sa mga nais mag-nomina, ipasa lamang ang fully accomplished nomination form (maaaring makuha sa PRAISE Secretariat o i-download mula sa Pasig City GEMS) kasama ang proof of exemplar performance and behavior sa PRAISE Secretariat.