TINGNAN: Pagdalaw ng Imahen ng Nuestra Señora de Guia de Manila sa Lungsod ng Pasig
September 6, 2024
Malugod na sinalubong at binigyang pugay ng mga deboto ang pagdalaw ng Imahen ng Nuestra Señora de Guia de Manila sa Lungsod ng Pasig kaninang umaga, September 6, 2024, sa Pasig City Hall.
Ang nasabing pagdalaw ng Imahen na mula pa sa Archdiocesan Shrine sa Maynila ay bahagi ng selebrasyon ng Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, na gaganapin sa Linggo, September 8, 2024.
Ilan sa mga aktibidad kaugnay ng Kanyang pagdalaw sa Lungsod ng Pasig ay ang isang misa sa Immaculate Conception Cathedral mamayang 06:30PM, na susundan ng vigil na pangungunahan ng iba't ibang pamayanan at mga religious organization sa Lungsod ng Pasig. Bukod dito, gaganapin din ang Solemn Mass bukas, September 7, 2024, sa ganap na 05:00PM at susundan ng isang prusisyon. Para sa traffic advisory kaugnay ng nasabing prusisyon, i-click ang link na ito: https://bit.ly/TrafficAdvisory_ICCProcessionSept7
Viva La Virgen!